Mag-utol nilamon ng ilog

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Kamatayan ang sumalubong sa mag-utol na mag-aaral matapos malunod habang nanghuhuli ng isda sa ilog sa Barangay Tagaytay sa bayan ng Camalig, Albay kamakalawa ng tanghali. Bandang alas-12:30 ng tanghali nang malunod ang magkapatid na Glen Mark Nacor, 7; at Jerick Nacor, 14, kapwa estudyante sa Anoling Elementary School. Narekober naman ang mga labi ng mag-utol dakong alas-3:30 ng hapon matapos na humingi ng tulong sa mga kinauukulan ang kasama ng dalawa na nakaligtas sa insidente.

Show comments