Mag-inang negosyante itinumba

BATANGAS, Philippines – Walang kakayahang pigilin ng kapulisan ang sunud-sunod na patayan sa Batangas kung saan muling sumalakay ang karahasan matapos na pagbabarilin hanggang sa mapatay ang mag-inang negosyante ng hindi mga ‘di- kilalang kalalakihan sa Tanauan City, Batangas kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Senior Supt. Rosauro Acio, Batangas PNP director ang mag-ina na sina Marilyn Napa, 45, fish dealer at anak nitong si Johel Napa, 20, kapwa residente ng Barangay Qui­ling sa bayan ng Talisay, Batangas.

Base sa police report, nagbebenta ng panindang tilapia ang mag-ina sa harap ng palengke ngTanauan City nang lapitan at pagbabarilin bandang alas-9:20 ng gabi.

Napuruhan sa leeg si Marilyn samantalang tinamaan naman sa ulo si Johel kaya magkasunod na bumulagta kung saan nagpulasan ang mga katabing tindera ng mag-ina dahil sa takot na madamay.

Inaalam pa rin ng mga otoridad ang motibo ng pamamaslang habang patuloy naman tinutugis ang grupo ng suspek na pansamantalang hindi mula isiniwalat ang pagkakakilanlan.

Show comments