RIZAL, Philippines – Arestado ang dalawang lalaki na sinasabing nang holdap sa isang 17-anyos na estudyante habang papasok sa eskuwela sa bayan ng Taytay, Rizal noong Biyernes ng tanghali. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Bryan Basas, 21, ng Papaya St., at Mark Neil Bernas, 20, ng Ipil St., sa Brgy. San Juan. Ang dalawa ay inaresto matapos ireklamo ng 3rd year high school student na naging biktima ng mga suspek. Sinasabing inakbayan ni Bernas ang biktima, habang nililimas naman ni Basas ang kaniyang relo, cell phone at P200 cash. Hindi naman nasiraan ng loob ang biktima at dumiretso sa himpilan ng pulisya para magpa-police blotter kung saan sa follow-up operation ay nadakma ang mga suspek.