2 rapist arestado

KAMPO ALEJO SANTOS, Malolos City, Philippines — Dalawang suspected rapist ang inaresto kahapon ng pulisya sa magkakahiwalay na lugar sa Bulacan. Sa ulat na nakarating kay Provincial Director P/SSupt. Fernando Mendez Jr. kinilala ang mga biktima na itinago sa mga pangalang Rea 17, estudyante at residente ng Brgy. Barangka sa bayan ng Baliwag at Rio 19, pipi’t bingi, residente ng Brgy. Igulot sa bayan ng Bocaue. Kasalukuyan namang nakadetine na ang dalawang suspek na sina Edward Rafael 19, ng Brgy.Tibag, Baliwag at Michael Salvacion 28, ng Brgy. Igulot, Bocaue. Base sa ulat dakong alas 10:40 ng umaga ay nagmamadaling umuwi ang ama ng biktimang estud­yante na si Roberto Santiago mula sa kanyang pagli­lingkod bilang isang barangay tanod at ng pumasok na siya sa kanilang bahay ay narinig niya ang malakas na kalabog na nanggagaling sa loob ng kuwarto ng kanyang anak at ng kanyang siyasatin ay kitang kita niya ang suspek na si Rafael na nasa ibabaw ng katawan ng biktima na umiiyak at naging dahilan upang personal na arestuhin ito saka dinala sa himpilan ng pulisya. Dakong alas-5:30 naman ng hapon habang tinatahak ng nakatatandang kapatid na lalaki ng biktimang si Rio ang mataas na damuhan sa gilid ng ilog patungo sa kanilang bahay ay napansin niya ang malakas na kaluskos dito at nang kanya ring siyasatin ang lugar ay nakita niya si Salvacion na nasa ibabaw ng kanyang kapatid na may kapansanan na kapwa hubo’t hubad at nagawa pang tumakas ngunit nasakote rin ng mga nagrorondang barangay tanod saka dinala sa himpilan ng pulisya.

Show comments