Ex-municipal treasurer inasunto

CAMARINES NORTE ,Philippines   — Inaresto ng pulisya ang dating municipal treasurer makaraang kasuhan ng alkalde kaugnay sa na­diskubreng pagkawala ng mala­king halaga noong 2010 sa bayan ng Daet, Camarines Norte.

Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Winston Racoma ng RTC Branch 39, ipinatupad nina P02  Arnold Labarro, warrant officer, PO2 Noel Melendres at PO2 Marilou Villafuerte ang suspek na si Arlyn Aberia, 52, ng Purok 4, Brgy Cobangbang.

Pinalaya naman si Abe­ria matapos magpiyansa noong Biyernes matapos na sampahan ng kaso ni Mayor Tito S. Sarion ng 11 counts of malversation of public funds. Mariin namang pinabulaanan ni Abe­ria ang mga paratang sa kanya at handang ipaglaban sa korte ang kanyang kasong kinakaharap. 

Show comments