Barangay kagawad itinumba

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines — Niratrat at napatay ang isang 35-anyos na barangay kagawad ng dalawang ‘di-kilalang lalaki sa panibagong karahasang naganap sa Barangay Naocondiot sa bayan ng Placer, Masbate kahapon ng umaga. Bandang alas-10 ng uma­ga nang tambangan si Kenneth Tan habang naglalakad papauwi. Wala naman malinaw na motibo ang nasisilip ng pulisya sa naganap na pamamaril habang patuloy ang imbestigasyon.

Show comments