12 Vietnamese nailigtas

MANILA, Philippines - Matagumpay na nailigtas ng mga lokal na mangi­ngisda ang 12 mangingisdang Vietnamese matapos na aksidenteng lumubog ang bangkang pangisda ng mga ito sa bayan ng Roxas, Palawan nitong Huwebes. Ayon kay Philippine Navy Spokesman Lt. Col. Omar Tonsay, dakong alas-8:30 ng umaga ng maispatan ng mga lokal na mangingisda ang mga mangingisdang Vietnamese na nagpapalutang-lutang sa bahagi ng karagatan ng Reinard Island sa Roxas. Ang naturang mga Vietnamese ay agad na sinagip ng mga tripulante ng F/B Mayfair 19 bago nilipat sa M/V Monalinda 19 na nagkataong napadaan sa lugar.Sinabi ni Tonsay agad namang tinulungan ng Philippine Navy reservise sa pamumuno ni Commander Freddie Lim, ang may-ari ng bangkang pangisdang M/V Monalinda ang mga nasagip ng Vietnamese.

Show comments