Barangay kagawad nilikida

BULACAN, Philippines — Isang nanunungkulang kagawad ng barangay sa isang lugar dito ang binurdahan ng saksak ng nag-iisang salarin sa loob ng sarili nitong bahay sa Barangay Kaypian sa San Jose Del Monte City, Bulacan kahapon madaling-araw. Tatlumpu’t-apat na saksak sa katawan ang tumapos sa buhay ni Rodolfo Tipace, 45, ng Carissa 4-A sa nasabing barangay habang sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Jepperson De Guzman, 27, ng nasabing barangay. Ayon kay PO1 Reynaldo Bayan Jr., isinagawa ang pamamaslang habang natutulog ang biktima sa loob ng kanyang bahay.

Show comments