MANILA, Philippines - Dalawa-katao ang iniulat na nasawi matapos ratratin ng mga armadong kalalakihan sa naganap na clan war malapit sa kampo ng militar sa Barangay Lower Salbo sa bayan ng Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao kamakalawa. Kinilala ang mga napaslang na sina Norodin Tahir at Kagawad Zainudin Abdulkarim na kapwa nakatira sa bayan ng Datu Unsay, Maguindanao. Ayon sa tagapagsalita ng Army’s 6th Infantry Division na si Col. Prudencio Asto, nilusob at pinagbabaril ng mga armadong kalalakihan ang angkan ni Abdulkarim habang patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad.