CAVITE, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng tatlong sibilyan matapos arestuhin ng pulisya sa kasong kidnapping sa Dasmariñas City, Cavite, ayon sa ulat kahapon. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Avelina Espiritu, 70; Cecilia Hillema, 38; at Marites Mandalupe, 34, pawang nakatira sa Sitio Pintong Gubat, Brgy. Paliparan 3 sa Dasmariñas City. Ang mga suspek ay inireklamo ni Ma. Elbi Cuartero, 21, ng Brgy. Lapidario, Trece Martirez City, Cavite. Ayon kay PO2 Rubylyn Villorente, lumilitaw na tumangging ibalik ng tatlo ang 11-buwang gulang na anak ni Cuartero kung saan pinatutubos ng P11,000. Itinanggi naman ng mga suspek ang akusasyon ni Cuartero kung saan sinabing pinaalagaan lamang sa kanila ang sanggol.