2 gutay sa vintage bomb

MANILA, Philippines - Sa halip na kayamanan, kamatayan ang sumalubong sa dalawa-katao habang isa pa ang nasa kritikal na kondisyon matapos na sumabog ang vintage bomb na kanilang napulot sa Brgy. Mandug, Buhangin District, Davao City kahapon ng umaga. Kabilang sa mga nagutay ay kinilala lamang sa alyas na Luding , 50; at Diosdado Maglasang, 40. Nasa kritikal namang kalagayan si Pablito Higpano Mayorhermita, 44. Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, naganap ang insidente bandang alas-10:58  ng umaga matapos pagtulungan ng tatlo na buksan ang vintage bomb na inakalang kayamanan na napulot sa maisan. Isang malakas na pagsabog ang yumanig sa lugar kung saan nagutay ang dalawa. Narekober naman ng bomb squad team ng pulisya ang martilyo, lagare, at iba pa na ginamit sa pagtatangkang buksan ang vintage bomb.

Show comments