Mister dedo sa away-trapiko

CAVITE, Philippines – Pinaniniwalaang away-trapiko kaya pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 39-anyos na lalaki sa Molino-Paliparan Road sa Barangay Paliparan, Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng gabi. Kinilala ang napaslang na si Gary Cerillo, cock handler, at nakatira sa Mabuhay Homes Subd. sa nabanggit na barangay. Ayon kay PO2 Dino Paulo Ramos, lumilitaw na kaangkas sa motorsiklo ni Reynaldo Ramos ang biktima nang biglang tumawid sa kalsada ang kulay pulang van. Dito nakasagutan ng biktima ang drayber ng van kaya naganap ang pamamaril.

Show comments