Designer kritikal sa holdap

MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kondis­yon ngayon ang isang computer designer matapos na pagsasaksakin ng pumalag sa isa sa dalawang holdaper sa naganap na robbery/holdup sa Butuan City, Agusan del Norte kamakalawa ng gabi.

Patuloy na isinasalba sa tinamong malalim na saksak sa dibdib  sa Butuan Doctors Hospital ang biktimang kinilalang si Ace Carcueva, 31-anyos, nanunuluyan sa Sanchez boarding house na mata­tagpuan sa Ochoa Avenue ng lungsod.

 Base sa imbestigasyon, sinabi ni CARAGA Police Spokesman Sr. Supt. Martin Gamba naganap ang insi­dente sa kahabaan ng Pizzaro Street sa panulukan ng Narra Road sa tabi ng DOH office sa Butuan City bandang alas-10:30 ng gabi.

 Kasalukuyang naghihintay ng masasakyang tricycle ang biktima sa nasabing lugar ng lapitan ng dalawang suspek, isa rito ay armado ng revolver at isa naman ay patalim.

Tumanggi ang biktima na ibigay ang kaniyang bagong biling Nokia cellphone sa mga holdaper matapos siyang kapkapan ng mga ito kunin ang wallet at limasin ang mga alahas.

Show comments