Suspek sa P.5M nakawan sa SBMA kilala na

OLONGAPO CITY, Philippines – Natukoy na ng mga awtoridad ang suspek sa pagkawala ng P.5 milyong halaga ng ari-arian sa Media Production Department sa Subic Bay Metropolitan Aurthority.

Lumilitaw sa final report ni Special Agent Levi Dalida ng Investigation Office ng Law Enforcement Department na inside job ang naganap na nakawan noong Martes (Hunyo 21) kung saan nilimas ang mga high-end electronic equipments kabilang ang Panasonic videocamera at EOS Canon 5D

Sa ulat ni Dalida, natukoy na isang malapit na kamag-anak ng opisyal ng nasabing departamento at tumatayonfg SBMA consultant ang tinukoy na suspek base na rin sa pahayag ng nag-iisang testigo mula sa Maintenance Dept.

Nabatid na namataan ng tes­tigo ang suspek na may bit­bit na dalawang bag matapos lu­mabas sa opisina ng Media Production Department noong Huwebes ng umaga bago matuklasan ang pagnanakaw. Pormal naman kinasuhan ang suspek na ngayon ay nagtatago.

Show comments