2 na-suffocate sa minahan, dedo

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Kamatayan ang sumalubong sa dalawang minero matapos ma-suffocate sa loob ng tunnel sa Barangay Panique sa bayan ng Aro­roy, Masbate kamakalawa ng gabi. Kinilala ang dalawang nasawi na sina Nober Deonan, 17; at Antonio Rivero, 17. Lumilitaw na pumasok ang dalawa sa may 600 metrong lalim na minahan bandang alas-6 ng gabi. Ilang minuto ang nakalipas ay biglang huminto ang generator na nagdadala ng oxygen kaya walang malanghap na sariwang hangin ang dalawa kaya tuluyang nasawi. Base sa tala, noong Hulyo 3, ay isa ring minero na si Rosaldo Cortes, 25, ang iniulat na nasawi matapos ma-suffocate sa minahan sa bayan ang Uson, Masbate.

Show comments