P.150M nalimas sa LBC

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Tinatayang aabot sa P.150 milyon ang nalimas sa sangay ng LBC matapos looban ng mga armadong kalalakihan sa panibagong insidente ng krimen sa Rizal Street sa Old Albay District, Legazpi City, Albay kahapon ng umaga. Sa police report na nakarating kay P/Supt. Oscar Regala, naganap ang insidente dakong alas-9 ng umaga matapos ang ilang minutong pagbubukas ng LBC kung saan walang nagawa ang dalawang kawani. Napag-alamang nagpanggap na mga kliyente ang grupo ng kalalakihan kaya isinagawa ang panloloob. Tumakas ang mga kawatan lulan ng motorsiklo. Wala namang security guard ang nasabing kompanya. May teorya ang pulisya na iisa ang grupo na nanloob din sa sangay ng LBC sa Sorsogon may dalawang araw na ang nakalipas.

Show comments