Mag-ama dinukot, kinatay

CAVITE, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng mag-amang magsasaka matapos dukutin ay pinagtulungang saksakin bago iginapos at itinapon sa madamong bahagi ng tulay sa hanggang ng bayan ng Amadeo at Silang, Cavite kamakalawa. Bandang alas-10 ng umaga nang matagpuan ang mga bangkay ng mag-amang Jamie Lleada, 61; at Jaymar Lleada, 17, kapwa nakatira sa Barangay Tartaria sa nasabing bayan. Ayon kay PO3 Oliver Salazar, dalawang araw nang nawawala ang mag-ama kung saan ipinagbigay-alam sa pulisya ang nadiskubreng krimen.

Show comments