Bumbay bulagta sa holdaper

CAVITE, Philippines - Binaril at napatay ang isang negosyanteng Bumbay matapos pumalag sa holdaper sa Barangay Molino 2 sa bayan ng Bacoor, Cavite kahapon ng umaga. Idineklarang patay sa ospital si Parmjit Singh, 41, ng  Blk 6, Lot 12, Phase I, Mary Homes Subd. Molino 4, Bacoor, Cavite. Samantala, nadakma naman ang suspek na si Armando Francisco, 26, ng  Blk 1, Bonair Subd. Queenrow East, Bacoor, Cavite. Ayon kay SPO1 Dante Ordoño, hinarang ng suspek ang biktima na may bitbit na malaking halaga mula sa pautang sa Magdiwang Road Villa Esperanza sa nasabing barangay. Pumalag ang biktima kaya tinuluyang barilin ng suspek.

Show comments