Lola nag-suicide sa tabi ni lolo

NUEVA ECIJA, Philippines – Dahil sa matinding sakit sa bato, piniling wakasan ng isang 71-anyos na babae ang kanyang buhay sa tabi ng sariling mister makaraang gilitan ang sarili noong Linggo ng gabi sa Barangay Camp Tinio, Cabanatuan City, Nueva Ecija. Kinilala ng pulisya ang nag-suicide na si Lola Amor Tecson. Nabatid kay Lolo Fausto Tecson, asawa ng biktima, bigla na lamang siyang nagulantang matapos masilayan ang duguang asawa na hawak pa ang ginamit na blade. Agad na humingi ng tulong sa mga anak at kasambahay si Lolo Fausto kung saan idineklarang patay sa Good Samaritan Hospital ang biktima.

Show comments