Lider ng asosasyon itinumba

KIDAPAWAN CITY ,Philippines   – Isang lider ng Manongol Tricycle Operators and Drivers Association (MATODA), ang niratrat at napatay ng tatlong 'di-kilalang lalaki sa harap ng department store sa Kidapawan City, North Cotabato kahapon ng umaga. Apat na bala na tumagos sa dibdib at ulo ang tumapos sa buhay ni Valentin Ubanan, 49. Naganap ang pamamaril ilang minuto matapos magtalo at magkasuntukan ang biktima at ang watch repair man na nakilala lang sa alyas Bapa. Lumilitaw na nagtalo ang dalawa matapos tumangging umalis sa dating puwesto sa palengke si Bapa sa utos ni Ubanan. Nang ‘di magkaintindihan, nag-umbagan ang dalawa kung saan lumapit ang mga 'di-kilalang lalaki at isinagawa ang pamamaril.

Show comments