Palengke naabo, P200 M pinsala

Manila, Philippines - Tinatayang aabot  sa P200 M ang napinsala matapos aksidenteng tupukin ng apoy ang buong pamilihang bayan ng Calinog, Iloilo nitong Huwebes ng gabi. Sa ulat ni Inspector Aron Palomo, hepe ng Calinog Police, 90% ng pamilihang bayan ang naabo sa insidente. Base sa imbestigasyon, dakong alas-8:45 ng gabi ng magsimula ang sunog sa carinderia section partikular na sa stall ni Noel Lingaya ng nasabing palengke na mabilis na kumalat. Naapula lamang ang sunog  matapos ang ilang oras kung saan naabo na ang malaking bahagi ng palengke. Nabatid na short circuit ng kuryente ang pinagmulan ng naturang sunog kung saan nahirapan ang mga bumbero na maapula dahilan masyado ng malaki ang apoy. 

Show comments