MANILA, Philippines - Pinalawig ng Philippine Sweepstakes Office (PCSO) ang deadline para sa aplikasyon ng Loterya ng Bayan hanggang sa July 15.
Sinabi ni PCSO General Manager Jose Ferdinand Rojas II, ito ay upang bigyan pa ng pagkakataon ang mga nais kumuha ng aplikasyon na ang deadline ay kahapon.
Ayon naman kay Liza Gabuyo, PSCO assistant general manager for on line lottery, ang Loterya ng Bayan ang papalit sa Small Town Lottery (STL).
Wika pa ni Ms. Gabuyo, nasa 197 gaming corporation mula sa ibat ibang panig ng bansa ang nag-aplay para sa Loterya ng Bayan.
Inaasahan naman ni PCSO chairperson Margie Juico na ang Loterya ng Bayan ang papatay sa illegal na sugal na jueteng sa bansa. Inaasahan na kikita ang PCSO ng P12 bilyon sa loob ng isang taon mula sa Loterya ng Bayan na magagamit nito sa charity ng nasabing ahensiya.