Tsinoy inutas ng holdaper

BULACAN, Philippines – Binaril at napatay ang isang 20-anyos na Tsinoy matapos pumalag sa mga holdaper sa Barangay Perez, Meycauayan City, Bulacan kamakalawa ng gabi. Nasapol sa dibdib at idineklarang patay sa Sta. Clara De Montefalco Hospital si Ahson Tan ng Sto. Niño Subd. sa nabanggit na barangay. Sa ulat ni PO2 Fulgencio Moren, pauwi na ang biktima at ilang kasambahay lulan ng L-300 van (WCZ-243) nang harangin ng dalawang motorsiklo na sakay ng apat na armadong lalaki. Dito na pumalag ang biktima kaya napilitang barilin ng isa sa mga holdaper. Bago tumakas ang mga holdaper ay tinangay ang handbag at ilang personal na gamit ng biktima.

Show comments