Kalihim, chief tanod dedo sa pamamaril

BATANGAS  ,Philippines – Nagwakas ang pagseserbisyo sa publiko ng kalihim ng barangay at hepe ng barangay tanod matapos mapatay sa naganap na magkahiwalay na pamamaril sa dalawang bayan sa lalawigan ng Batangas kahapon at kamakalawa.

Kinilala ni P/Supt. Arcadio Ronquillo, hepe ng Public Information Office ng Batangas PNP ang dalawa na sina Leopoldo De Padua, 53, kalihim ng Barangay Tanggoy sa bayan ng Balayan at si Manuel De Torres, 39, tanod chief ng Barangay Munting Indang sa bayan ng Nasugbu, Batangas.

Tinambangan si De Padua ng motorcycle-riding gunmen matapos ihatid ang kanyang anak sa school pagsapit sa Barangay Sambat sa bayan ng Balayan.

Samantala, nag-iinuman naman ang barangay chief na si De Torres at ang suspek na Cafgu na si Leonilo Baral, at kapatid nitong si Joseph Baral sa Sitio Tala, Barangay Mun­ting Indang nang mag-away ang magkapatid bandang alas- 11:30 ng gabi.

Napag-alamang umawat si De Torres sa away ng magkapatid hanggang sa mapagbuntunan ng galit ni Leonilo at saksakin ng ilang beses sa katawan.

Sumuko naman si Leonilo sa kanyang kumander sa Philippine Army habang tugis naman ang tumakas na si Joseph Baral.

Show comments