Lalaki todas sa adik

RIZAL, Philippines – Napaslang ang isang 21-anyos na lalaki makaraang mapagtripang saksakin ng isang lalaki na sinasabing lango sa bawal na droga sa Mahinhin Street sa Sitio Tubigan sa Antipolo City, Rizal kamakalawa ng gabi. Idineklarang patay sa Antipolo Community Hospital dahil sa 16 saksak sa iba't ibang bahagi ng katawan si Mark Anthony Temario ng Sitio Tubigan, Barangay Dalig sa nasabing lungsod. Tugis naman ng pulisya ang suspek na si Andy Porteza ng Tapales Road sa nabanggit na barangay. Sa imbestigasyon nina PO2 Rodelio Bautista Jr. at PO1 Marcelo Alido, bumibili ng sigarilyo sa tindahan ang biktima nang lapitan at undayan ng sunud-sunod na saksak ng suspek.

Show comments