Gunrunner timbog

BOCAUE, Bulacan, Philippines — Arestado ang isang pinaghihinalaang miyembro ng notoryus na gunrunning syndicate makaraang magtangka itong ibenta sa isang poseur buyer na pulis ang isang mataas na kalibre ng armas sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Agad na kinasuhan ni P/Chief Inspector Marlon Santos ng CIDG-Bulacan ng kasong paglabag sa R.A. 8294 ang suspek na nakilalang si Pablito Umerez 32, residente ng Brgy.Caingin sa bayan ng Bocaue na nasamsaman ng isang cal 5.56 revolver na may limang bala.

Bandang alas-6:10 ng gabi ay tumawag sa kanilang himpilan ang isang police asset at ini-report ang pagbebenta ng suspek ng baril sa halagang P8,000 na naging dahilan upang ikasa ang isang buy- bust operation sa naturang lugar.

Inaresto ang suspek habang iniaabot ang nasabing baril sa poseur buyer ng mga awtoridad.

Humihimas na ng rehas na bakal ang suspek.

Show comments