MANILA, Philippines - Bangkay na ng matagpuan ang isang 37-anyos na informer ng militar na sinasabing dinukot ng mga rebeldeng New People’s Army saka pinagbabaril sa gilid ng highway sa Sitio Candavit, Brgy. Tuyon sa bayan ng Cauayan, Negros Occidental kamakalawa. Narekober naman ang bangkay ni Rigor Escora ng Sitio Tibak na nakahandusay sa tabi ng kalsada. Naganap ang pagdukot sa biktima habang naglalakad kasama ang kaniyang misis na si Alida Escora sa bisinidad ng Brgy. Tuyon noong Linggo ng gabi. Lumilitaw naman sa imbestigasyon na ang madalas na pagbisita ng mga sundalo ng Phil. Army sa tahanan ng biktima ang motibo sa pamamaslang.