2 pisak sa gumuhong pader

MANILA, Philippines - Dalawang batang pre-schooler ang kumpirmadong nasawi habang isa naman ang nasa kritikal na kalagayan makaraang mabagsakan ng gumuhong pader sa Barangay Kauswagan sa bayan ng San Agustin, Surigao del Sur kamakalawa.

Kinilala ang mga nasawi na sina Diah Avila, 4; at Chlowe Jualo, 5 na idineklarang patay sa Marihatag District Hospital habang patuloy na inoobserbahan si Angel Sarilibo, 3.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-2 ng hapon habang masayang naglalaro ang mga bata ng hola hoop nang biglang bumigay ang 2.5 metrong mataas na pader na sinasabing nasa lupang pag-aari ni Dalmacio Avila.

Agad namang sinaklolohan ng mga kasambahay ang mga biktima pero nasawi noon din si Avila at bagaman nagawa pang isugod sa ospital ang dalawa pa ay nabigo ng maisalba si Jualo.

Show comments