Most wanted utas sa pulis

CAVITE, Philippines – Napaslang ang pinaniniwalaang ika-2 most wanted person matapos makipagbakbakan sa mga alagad ng batas sa bahagi ng Barangay Bacao 2 sa bayan ng General Trias, Cavite kamakalawa. Kinilala ang napatay na si Danilo “Totoy Panget” Santos, 45, ng Barangay San Roque, Cavite City, Cavite. Lumilitaw na isisilbi sana ng pulisya ang warrant of arrest na inisyu ng Cavite Regional Trial Court Branch 88 sa kasong murder nang nakipagbarilan si Santos. Nakumpiska mula sa suspek ang cal. 38 revolver na may apat na bala.

Show comments