Multi-milyong proyekto sa Romblon

ROMBLON, Philippines — Pinasinayanan nang provincial government ng Romblon sa pangunguna nina Gov. Eduardo Firmalo at Vice Gov. Mel Madrid ang ilang proyekto na natapos sa taong ito. Kasalukuyang pinakikinabangan ng taumbayan ang Lunas Causeway sa Barangay Lunas sa bayan ng Romblon, Romblon na pinondohan ng P3 milyon kung saan sinimulang gawin noong Marso 2011. Tapos na rin ang P1.59 milyong repair ng Romblon-Agbuyog Hospital Road at ang road project sa ibang bahagi ng Romblon na pinondohan ng P1 milyon ma­ging ang flood control project sa Barangay Tuburan sa Odiongan. Ayon kay Gov. Firmalo na bagama’t limitado ang pondo ng provincial government sa mga proyektong imprastraktura, titiyakin pa rin na maisasakatuparan ang mga ito sa mabilis at transparent na paraan.

Show comments