Holdap: Misis ng konsehal dinedo

KIDAPAWAN CITY, North Cotabato ,Philippines  – Napaslang ang misis ng municipal councilor makaraang ratratin ng mga 'di-kilalang kalalakihan sa naganap na holdapan sa Barangay Poblacion sa bayan ng Matalam, North Cotabato kahapon ng umaga.

Sa ulat ni P/Insp. Sindatu Karim, deputy chief ng Matalam PNP, binaril si Beverly Amatac nang tumanggi itong ibigay ang dala-dalang bag na naglalaman ng malaking pera.

Lumilitaw na pababa ng kanyang sasakyan ang biktima nang lapitan at holdapin. Nabatid na si Beverly na may-ari ng isa sa pinakamalaking agri-vet supply sa bayan ng Matalam ay misis ni Councilor Saturnino Amatac sa bayang nabanggit. Nabaril naman ng mga rumespon­deng pulis sa pangunguna ni P/Insp. Karim, ang isa sa mga holdaper na si Ali Adam kung saan naisugod sa Babol Hospital.

Narekober ng mga pulis ang motorsiklo ni Adam na walang plaka kung saan nakarehistro sa bayan ng Libungan, North Cotabato.

Show comments