3 pisak sa palm tree

MANILA, Philippines - Tatlo-katao ang iniulat na nasawi makaraang mabagsakan ng palm tree habang natutulog sa kanilang kubo sa Sitio Calubihan, Barangay Nabugon sa Mandaue City, Cebu kahapon ng madaling-araw. Nasawi ang mag-asawang Romeo Dimpas, 44; Tere­sita Dimpas, 45; at ang kanilang kapitbahay na si Richard Gerodias, 27. Sa phone interview, sinabi ni P/Supt.James Goforth, natutulog ang mga biktima nang maipit sa loob ng kani-kanilang kubo na binagsakan ng palm tree. May teorya ang pulisya na may ilang dekada na rin ang matandang punong buri kaya nabuwal.

Show comments