Massacre suspect sumuko na

MANILA, Philippines - Matapos na makonsensya, sumuko na sa mga ele­mento ng National Bureau of Investigation (NBI) ang suspect sa brutal na massacre sa isang pamilya sa Marilao, Bulacan noong Miyerkules na ikinasawi ng maglive-in partner habang grabe naman ang kanilang anak. Kinumpirma kahapon ni NBI-Death Investigation Division (NBI-DID) chief Atty. Romulo Asis na kusang sumuko ang suspect na si Samuel Garin, ng Barangay Lambakin, Marilao, Bulacan. Inamin nito ang pamamaslang sa mga bik­timang sina Joselito Dilla, 45, at live-in partner na si Carina, at patuloy namang nilalapatan ng lunas sa Ospital ng Maynila ang kanilang anak na si Jovielyn. Pumunta siya dito at sinabi na siya raw ang sumaksak sa isang pamilya sa Marilao, Bulacan. Nakokonsensiya daw siya,” ani Atty. Asis. Itinuro pa umano ni Garin sa NBI ang pinagbaunan niya ng kutsilyong ginamit sa krimen. Inihahanda na ng NBI ang pagsasampa ng mga kasong double murder at frustrated murder laban kay Garin.

Show comments