Mister ginilitan ng mag-utol

NUEVA ECIJA, Philippines  – Napaslang ang isang 25-anyos na kawani ng pribadong kompanya makaraang pagtulungang gilitan ng magkapatid na lalaki sa loob sa Barangay Diversion sa bayan ng San Leonardo noong Linggo ng madaling-araw.

Nakilala ang napatay na si Allan Miguel ng Barangay Dolores sa bayan ng Sto. Domingo, Nueva Ecija. Na­dakip naman ang isa sa suspek na si Froilan Alcantara, 22, habang tinutugis ng pulisya si Manuel Alcantara na kapwa nakati­ra sa Barangay Diversion.

Nabatid na paalis na ang biktima at kaibigan nitong Jayson Ibanez, 18, mula sa videoke bar nang lapitan at gilitan ng dalawang suspek na sinasabing lango sa alak.

Show comments