Mag-asawa pisak sa truck

BULACAN, Philippines – Malagim na kamatayan ang sinapit ng mag-asawang magkaangkas sa motorsiklo makaraang mahagip ng 10-wheeler truck sa MacArthur Highway sa Barangay Tabang, Guiguinto, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Naisugod pa ng mga tauhan ng Bulacan Rescue 566 sa Nazareth Hospital subalit namatay din habang ginagamot ang mag-asawang Creseguno Balute, 48; at Myrna Ba­lute, 45, kapwa nakatira sa Northville 3, Brgy. Bayugo, Meycauayan City, Bulacan.

Samantala, sumuko sa pulisya ang drayber ng truck na si Arturo Guiang, 55, ng Brgy. Silangan, sa bayan ng Canlubang, Laguna.

Base sa imbestigas­yon ni PO1 Irwin Joy Yuson, iniwasan ng truck (RJM667) na minamaneho ni Guiang ang nakaparadang jeepney kaya nahagip at nakaladkad ang kasalubong na motorsiklo ng mag-asawa.

Show comments