Senglot nag-dive sa ilog, tigok

BULACAN, Philippines — Dahil sa so­brang pagkalasing sa alak ng isang 32-anyos na lalaki ay nakasalubong nito si kamatayan matapos malunod sa ilog sa Sitio Maligaya, Barangay Pajo sa Meycauayan City, Bulacan kamakalawa ng gabi. Kinilala ang nasawi na si Jovanie Saranillo, 32, ng Brgy. Patulo sa bayan ng Marilao, Bulacan. Sa ulat ni PO1 Eric Vargas, pauwi na ang biktima mula sa kanyang kaibigan nang mapadako sa tulay para magpahangin. Sa pag-aakalang walang tubig ang ilalim ng tulay ay tinangkang matulog subalit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nahulog at nalunod. Bandang alas-9 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima na lumutang sa ilog.

Show comments