SOLANO, Nueva Vizcaya, Philippines – Humigit kumulang sa P650,000 na halaga para sana sa midyear bonus ng mga guro ang tinangay ng mga hindi pa nakikilalang mga armadong holdaper sa lalawigan ng Cagayan kamakalawa Ayon sa pulisya, hinoldap ng mga armadong suspek si Cliford Vallejo, District Supervisor ng Western Solana District ng Cagayan Schools Division matapos magwithdraw sa bangko sa Tuguegarao City, ang kabisera ng lalawigang ito. Ayon sa ulat, pagbaba umano ni Vallejo sa isang pampasaherong van sa harap ng Sampaguita Elementary School sa bayan ng Solana nang bigla siyang tutukan ng baril ng mga suspek at agad na nagdeklara ng holdap. Dahil umano sa takot ay napilitan na iniabot ng biktima ang dalang pera na ibibigay sana sa mga ibat ibang guro para sa kanilang midyear bonus. Iniimbestigahan ngayon ng mga awtoridad ang nasabing insidente at patuloy rin ang pagtugis sa mga suspek.