Most wanted arestado

MEYCAUAYAN CITY, Bulacan , Philippines — Bumagsak sa mga awtoridad ang isang most wanted na kriminal matapos na bumalik ito sa kanilang tahanan sa ilang minutong habulan sa lungsod na ito kahapon. Sa ulat na isinumite ni P/Supt.Eric Noble kay Provincial Director P/SSupt. Fernando Mendez Jr. kinilala ang naarestong suspek na si Emilio Mendoza 44, residente ng Brgy. Malhacan sa siyudad na ito. Bandang alas-2:15 ng hapon ng maispatan ang suspek na nagtungo sa kaniyang bahay kaya’t agad itong inaresto ng mga nakaposteng operatiba ng Provincial Public Safety Company sa bisa ng dalawang warrant of arrest na inisyu ng korte. Boy Cruz

Show comments