Aircon tech dedo sa kuryente

Manila, Philippines - Kamatayan ang sumalubong sa isang 23-anyos na aircon technician habang grabe namang nasugatan ang kasamahan nito makaraang makuryente habang nagkakabit ng aircon unit sa language school sa Bacolod City kamakalawa.

Kinilala ang  nasawi na si Jessie de la Torre ng Bago City, Negros Occidental, empleyado ng Deka Sales na nagbebenta ng airconditioning unit na nakabase sa Bacolod City.

Samantala, nakikipaglaban naman kay kamatayan sa Bacolod Doctor’s Hospital si Marvin Genova, on-the-job-trainee.

Base sa police report, naganap ang insidente sa gusali ng Jason English Language School sa Burgos Extension bandang alas-10:30 ng umaga.

Lumilitaw na nasa roof deck ng gusali ng language school ang dalawa habang hinihila ang GI pipe nang masagi ang live wire na nakakabit sa poste ng kuryente.

Si de la Torre ay idineklarang patay sa Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital matapos dumaloy sa katawan nito ang malakas na boltahe ng kuryente.

Show comments