Bomba sa eskuwelahan

RIZAL, Philippines  — Isang vintage bomb na sinasabing ma­aring sumabog ang natagpuan sa harapan ng Roosevelt College sa Sumulong Highway sa bayan ng Cainta, Rizal kamakalawa ng hapon. Agad namang ipinaalam ng security personnel sa ilang opisyal ng barangay saka ipinaabot sa mga tauhan ng PNP Explosive Ordnance Division ang natagpuang 155mm artillary bomb. Ayon kay PO2 Rudy Saballero, team lider ng EOD maaaring umabot hanggang 300 metro ang lawak ng magiging pinsala na maidudulot ng vintage bomb sakaling sumabog ito. Nagsasagawa ngayon ng masusing imbestigasyon ang pulisya para matukoy ang responsable sa bomba na iniwan sa harap ng nasabing paaralan.

Show comments