Killer ng pulis arestado

CAVITE, Philippines  – Rehas na bakal ang binagsakan ng pa­ngu­nahing suspek sa pagpatay sa isang pulis makaraang maaresto sa bayan ng General Mariano Alvarez, Cavite kamakalawa ng hapon. Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Matias Garcia II ng Regional Trial Court, nadakma si Jeffrey “Bibbo” Capili, 20, ng Barangay Granados. Ayon kay P/Senior Inspector Juan Oruga, hepe ng GMA PNP, si Capili ay itinuturong pumatay kay PO2 Marvin Restrivera noong Agosto 16, 2010. Lumilitaw din na si Capili na nakipagbarilan sa mga pulis at tinamaan sa binti ay nasa ika-10 sa most wanted person at sinasabing sangkot sa pagpapakalat ang bawal na droga sa nasabing bayan.

Show comments