Naaburido sa buhay, nagbigti

QUEZON, Philippines — Dahil sa kawalan ng trabaho, naaburido ang isang 32-anyos na mister matapos itong magbigti kamakalawa ng hapon sa Marquez Subdivision, Barangay 6 sa Lucena City, Quezon. Kinilala ng pulisya ang nag-suicide na si Apolonio Ayala ng Barangay Mayao Castillo. Ayon kay PO3 Domingo Rivarez, nagtungo sa mga kaanak ang biktima upang pawiin ang pagkabagot sanhi ng kawalan ng trabaho. Subalit dakong alas-2 ng hapon ay natagpuan ni Emilyn Delgado ang biktima na nakabitin sa loob ng palikuran gamit ang kable ng telepono. Kaagad na dinala sa Quezon Medical Center subalit namatay din ang biktima na sinasabing nag-iwan ng suicide note sa kanyang mga kaanak.

Show comments