Madugong kasalan

SAN ANTONIO, Nueva Ecija, Philippines – Naging madugo ang reception ng isang kasal sa bayang ito matapos magwala ang isang lalaki at manaksak ng mga bisita.

Ayon sa ulat, ang mga napatay na biktima ay nakilalang sina Marvin Parungao at Michael Catle habang ang mga sugatan naman ay sina Rednee Padua at Joel Erandio.

Naaresto naman ang suspek na si Joel Flores na empleyado ng Nueva Ecija Electric Cooperative.

Nagtungo si Flores sa reception ng kasal ng bayang ito kamakalawa ng gabi upang sunduin ang kanyang live-in partner na si Maricel Villarin na nakipaghiwalay na dito.

Ayaw sumama ni Villarin sa suspek hanggang sa umawat ang mga biktima at ito ang pinagsasaksak ng suspek.

Pinagtulungang bugbugin naman ng mga bisita sa kasal ang suspek hanggang sa maaresto ito.

Show comments