Kelot timbog sa bigong rape sa lola

NUEVA ECIJA ,Philippines  – Ares­tado ang isang 35-anyos na lalaki makaraang mahuli ito sa aktong minomolestiya ang isang 86-anyos na lola sa Brgy. Batitang, bayan ng Zaragosa, kamakalawa ng tanghali.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Ernesto Pajare, ng Dipaculao, Aurora, na ngayon ay naghihimas ng rehas na bakal.

Nakilala naman ang biktima na si Lola Flora dela Cruz, dalaga, ng nasabing lugar.

Sa imbestigasyon, nabatid na dakong alas-12:30 ng tanghali, nang bigla na lamang suntukin ng suspek ang dibdib ng biktima at pagkatapos ay hinalikan ito sa labi. Agad umanong inalis ng suspek ang damit ng biktima at umibabaw na rito nang biglang dumating ang apo sa kapatid ng huli, na na­kilalang si Josephine Manzano, 35.

Dito na umaksyon si Manzano at tumawag ng bantay-bayan sa lugar na siyang dahilan upang mapigilan ang maitim na balak sa biktima. Agad na naaresto ang suspek na sasampahan ng kasong attempted rape at physical injury.

Show comments