Sheriff ng NLRC utas sa ambus

Manila, Philippines - Napaslang ang sheriff  ng National Labor Relations Commission makaraang tambangan ng motorcycle- riding gunmen sa national highway ng Barangay Boalan, Zamboanga City, kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa dibdib si Danilo Tejada, miyembro ng Iglesia ni Kristo, at residente ng Doña Feliza Subdivision sa Barangay Mercedez sa nabanggit na lungsod. Lumilitaw na may hinihintay ang biktima nang lapitan at ratratin. Patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments