3-katao tiklo sa pagnanakaw

QUEZON, Philippines  — Arestado ang tatlo-katao kabilang ang dalawang miyembro ng Cafgu matapos pagnakawan ang tindahan ng poultry supply sa Barangay Rizal Poblacion sa bayan ng Lopez, Quezon, kamakalawa ng madaling-araw. Pormal na kinasuhan ng pulisya ang mga suspek na sina Carlo Merciales, 21; Roger Holar, 25, kapwa na naka-assigned sa Gumaca, Quezon at si Cristopher Gracela, 20. Ayon kay SPO4 Raul Paraiso, pinasok ng mga suspek ang Kitz Reyes Feeds Supply sa pamamagitan ng pagsira sa bubong nito. Tinangay ng mga suspek ang ilang kagamitan sa tindahan kabilang na ang mga gamut, feeds supply at P20,000 cash. Sa follow-operation ng pulisya ay naaresto ang mga suspek sa magkakahiwalay na lugar.

Show comments