14 sugatan sa road mishap

Manila, Philippines - Labing-apat katao kabilang ang walong bata ang iniulat na nasugatan makaraang sumalpok ang isang sasakyan sa paanan ng bundok sa KM Post 302, Sitio Ngano-an sa Barangay Poblacion sa bayan ng Bokod, Benguet kamakalawa ng hapon. Kabilang sa mga sugatang naisugod sa Dennis Molintas Hospital at Baguio General Hospital and Medical Center ay sina Erwin Baguilat, 20; Solomon Licyayo, 20; Shary Licyayo, 22; Joel Prince Bilibli, 7; Princess Joy Licyayo, 7; Rosaly Paligan, 30; RJ Paligan, 10; Elija Paligan, 1; Darline Uyan, 4; Ariel Baguilat, 9; Elisa Ragacho, 43; Rowena, 20 ; CJ Regacho, 5; CD Regacho, 9; Erwin Baguilat at si Solomon Licyayo. Lumilitaw sa imbestigasyon na patungong Baguio City mula sa Kiangan, Ifugao ang mga biktimang lulan ng kulay itim na Chevrolet (GHR -555) ni Ryan Regacho, 32, nang mawalan ng preno at sumalpok sa paanan ng bundok.

Show comments