News editor ng GMA 7 sinapak ng Army major

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines  — Nasa balag ng alanganing masibak sa tungkulin at makasuhan ang isang Army major matapos sapakin ang isang news editor ng GMA 7 network na nakabase sa Naga City sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay Caroyroyan sa bayan ng Pili, Camarines Sur.

Pormal na naghain ng reklamo sa kinauukulang ahensya ng pamahalaan si Arnel Eclarinal habang ang suspek na hindi nabatid ang pinagtataguan ay nakilalang si Major Sisenando Mabalot na nakabase sa 9th Infantry Division ng Phil. Army sa Camp Elias Angeles.

Lumilitaw sa hindi makaraan ang biktimang naka­motorsiklo dahil sa akupado ng suspek at ilang sundalo ang kahabaan ng highway dahil sa pagja-jogging.

Kaya bumaba ang biktima sa kanyang motorsiklo at pinakiusapan ang mga sundalo na pansamantalang tumabi sa gilid ng kalsada.

Dito na nagalit ang suspek saka binulyawan at kinompronta ang biktima kung saan sinapak sa harapan ng kanyang mga sundalo.

Show comments