Mag-lover niratrat sa loob ng kotse

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines  – Nagwakas ang illicit affair ng magkalaguyo na lulan ng kotse matapos ratratin ng ‘di-kilalang lalaki sa Barangay Dapdap, Legazpi City, Albay kahapon ng madaling-araw.

Nasawi sa pamamaril si Eugene Aydalla, 32, kawani ng Land Bank Legazpi Branch at nakatira sa Guevarra Subd. sa bayan ng Daraga, Albay.

Samantala, nakikipaglaban naman kay kamatayan si Antonio Lorcha, 35, ng nasabing barangay, nagtamo ng tama ng bala sa ulo at dibdib.

Ayon kay P/Chief Insp. Abelardo Borromeo, lulan ang dalawa ng Toyota Revo (WGF 626) na nakaparada sa madilim na bahagi ng tulay nang dikitan at pababarilin ng mga 'di-kilalang lalaki na lulan din ng kotse.

Pinaniniwalaan naman natiktikan ang magkalaguyo kaya sinundan at isinagawa ang pamamaril habang patuloy naman ang masusing imbestigasyon.

Show comments