Van nag-dive: 3 todas

LA TRINIDAD, Benguet, Philippines – Tatlo-katao kabilang ang isang barangay chairman ang iniulat na nasawi habang dalawang iba pa ang malubhang nasugatan makaraang mag-dive ang pampasaherong van sa malalim ng bangin sa bayan ng Besao, Mountain Province noong Lunes ng madaling-araw. Kinilala ang mga nasawi na sina Chairman Samson Buyagan, 51,ng Barangay Tamboan, Besao; Aedelyn Buyagan, 18, at si Marvin Sumayden, 33, na sinasabing namatay habang ginagamot sa ospital. Kasalukuyang nasa ospital at nakikipaglaban kay kamatayan ang dalawang kamag-anak ni Chairman Buyagan na sina Gracelyn Buyagan, 13; at Edison Buyagan, 6. May teorya ang pulisya na nasiraan ng makina ang Delica van kaya nagtuluy-tuloy sa bangin. Artemio Dumlao at Victor Martin

Show comments